Simple lang ang paghahanap: i-type lamang sa box para sa paghahanap ang anumang agad na maiisip, pindutin ang Enter o i-click ang pindutang Maghanap, at maghahanap ang Google sa web para sa nilalamang may-katuturan sa iyong paghahanap.
Mas madalas, eksakto mong mahahanap kung ano ang iyong hinahanap gamit ang pangunahing query lamang (ang salita o pariralang iyong hinahanap). Gayunpaman, matutulungan ka ng mga sumusunod na tip na masulit ang iyong mga paghahanap. Sa kabuuan ng artikulo, gagamit kami ng mga square bracket [ ] upang magsenyas ng isang query sa paghahanap, kaya ang
Ilang mga pangunahing katotohanan
- Mahalaga ang bawat salita. Sa pangkalahatan, magagamit ang lahat ng mga salitang iyong inilalagay sa query.
- Palaging case sensitive ang paghahanap. Ang paghahanap para sa
[ daily inquirer ] ay pareho ng paghahanap para sa[ Daily Inquirer ] . - Sa pangkalahatang, binabalewala ang bantas, kabilang ang @#$%^&*()=+[]\ at iba pang mga espesyal na character.
Upang matiyak na ibinabalik ng iyong paghahanap sa Google ang mga pinakamay-katuturang resulta, mayroong ilang mga pagbubukod sa mga panuntunan sa itaas.
Mga tip para sa mas mahusay na mga paghahanap
- Panatilihin itong simple. Kung naghahanap ka para sa partikular na kumpanya, ipasok lamang ang pangalan nito, o ang naaalala mo sa pangalan nito. Kung naghahanap ka para sa isang partikular na konsepto, lugar, o produkto, magsimula sa pangalan nito. Kung naghahanap ka ng tindahan ng pizza, ipasok lamang ang pizza at ang pangalan ng iyong bayan o iyong zip code. Hindi kinakailangan ng karamihan ng mga query ang advanced na mga operator o hindi karaniwang syntax. Ayos na ang simple.
- Isipin kung paano masusulat ang pahinang iyong hinahanap. Hindi tao ang isang search engine, isa itong program na nagtutugma sa mga salitang iyong ibinigay sa mga pahina sa web. Gamitin ang mga salita na malamang na lumitaw sa pahina. Halimbawa, sa halip na sabihing
[ sumasakit ang aking ulo ] , sabihin ang[ sakit ng ulo ], dahil iyon ang terminong gagamitin ng isang pahinang medikal. Ang query na[ sa anong bansa itinuturing na swerte ang mga paniki? ] ay napakalinaw sa isang tao, ngunit ang dokumentong nagbibigay sa sagot ay maaaring wala ng mga salitang iyon. Sa halip, gamitin ang query na[ itinuturing na swerte ang mga paniki sa ] o kahit[ mga paniki swerte ] , dahil iyon malamang ang sasabihin ng tamang pahina. - Ilarawan kung ano ang iyong kailangan sa kaunting mga termino hangga't maaari. Ang layunin ng bawat salita sa isang query ay upang maituon ito nang higit pa. Dahil ginagamit ang lahat ng mga salita, nililimitahan ng bawat karagdagang salita ang mga resulta. Kung masyado kang naglimita, marami kang mapapalampas na kapaki-pakinabang na impormasyon. Ang pangunahing bentahe sa pagsisimula sa mas kaunting keyword ay kung hindi mo nakuha kung anong kailangan mo, malamang na bigyan ka ng magandang pahiwatig ng mga resulta ng kung anong mga karagdagang salita ang kinakailangan upang pinuhin ang iyong mga resulta sa susunod na paghahanap. Halimbawa, ang
[ panahon cancun ] ay isang simpleng paraan upang mahanap ang panahon at malamang na magbigay ito ng mas mahusay na mga resulta kaysa sa mas mahabang[ ulat ng panahon para sa cancun mexico ]. - Pumili ng mga mapaglarawang salita. Mas natatangi ang salita, mas malamang na makakuha ka ng mga may-katuturang resulta. Ang mga salitang hindi masyadong mapaglarawan, tulad ng 'dokumento,' 'website,' 'kumpanya,' o 'impormasyon,' ay karaniwang hindi kinakailangan. Gayunpaman, tandaan na kahit na mayroong tamang ibig sabihin ang salita ngunit hindi ito ang ginagamit ng karamihan ng mga tao, maaaring hindi ito tumugma sa mga pahinang iyong kailangan. Halimbawa, ang
[ mga ringtone ng celebrity ] ay higit na mapaglarawan at tukoy kaysa sa[ mga tunog ng celebrity ] .
Tingnan ang higit pang mga tip sa paghahanap.
Ang pahina ng mga resulta ng paghahanap
Ang layunin ng Google ay makapagbigay sa iyo ng mga resulta na malinaw at madaling basahin. Kasama sa pangunahing resulta ng paghahanap ang isang pamagat na nagli-link sa webpage, isang maikling paglalarawan o isang aktwal na sipi mula sa webpage, at URL ng pahina.
