Mga pangunahing-kaalaman
Ang bawat asul na nakasalungguhit na linya ay isang resulta ng paghahanap na nakita ng search engine ng Google para sa iyong mga terminong ginamit sa paghahanap. Ang unang item ay ang pinakamay-katuturang tugmang nahanap namin, ang ikalawa ay ang susunod na pinakamay-katuturan, at hanggang sa mga susunod pa pababa sa listahan. Kung iyong i-click ang pamagat ng anumang resulta, madadala ka sa webpage na iyon.Pangkalahatang-ideya ng pahina ng mga resulta ng paghahanap
Narito ang isang maikling gabay sa lahat ng mga elemento at tool na iyong makikita sa pahina ng mga resulta ng paghahanap ng Google.

I-click ang mga link na ito upang matuto nang higit pa:
Header
Bar sa paghahanap
Mga resulta ng paghahanap
Mga tool at filter
Mga naka-sponsor na link
Ibaba ng pahina
Header
| Web Mga Larawan Mga Video Maps Mga Balita Pamimili Mail higit pa ▼ Kasaysayan sa Web | Mga setting ng paghahanap | Mag-sign in |
Bar ng mga produkto ng Google
Tingnan ang mga link para sa iba't ibang mga serbisyo ng Google at mas marami pang menu para sa mga karagdagang serbisyong hindi nakalista. Gamitin ang mga link na ito upang mag-navigate sa Gmail at iba pang mga produkto ng Google.
Mga setting sa paghahanap
I-click ang link na ito upang i-access ang iyong Mga setting sa paghahanap (tulad ng wika ng paghahanap at bilang ng mga resulta na nais mong makita bawat pahina). Kung naka-sign in ka, magagawa mo ring makita ang iyong mga setting ng Google Account (tulad ng iyong email address sa pag-sign-in).
Mag-sign in at out
Mag-sign in sa isang Google Account upang i-personalize ang iyong karanasan sa paghahanap. Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account, ipapakita ang email address na nauugnay sa iyong account sa tuktok ng pahina:
| example@google.com | Mga Setting ▼ | Mag-sign out |
Kasaysayan sa web
Kung hindi ka naka-sign in, magagamit pa rin ng iyong mga resulta ng paghahanap ang mga pag-customize. I-click ang Kasaysayan sa web upang tingnan at kontrolin ang mga pag-customize batay sa aktibidad ng paghahanap mula sa iyong kasalukuyang computer. Kapag naka-sign in ka sa isang Google Account, mapapamahalaan mo din ang iyong aktibidad sa web at makakapag-alis ng mga item mula sa iyong kasaysayan sa web sa anumang oras. Matuto nang higit pa tungkol sa Kasaysayan sa web.
Bar sa paghahanap
Upang maghanap sa Google, mag-type lamang ng ilang mapaglarawang mga terminong gagamitin sa paghahanap, pagkatapos ay pindutin ang Enter sa iyong keyboard o i-click ang pindutang Maghanap.Advanced na paghahanap
Para sa mga higit pang tumpak na paghahanap, i-click ang link na ito upang magpasok ng higit pang mga detalye tungkol sa iyong hinahanap. Matuto nang higit pa tungkol sa advanced na paghahanap.
Ligtas na Paghahanap
Kung nakaraan mo nang itinakda mo ang Ligtas na Paghahanap sa istrikto o walang pag-filter, makakakita ka ng link sa ibaba ng bar sa paghahanap na maki-click mo upang mabago ang iyong setting. Hindi mo makikita ang link kung gumagamit ka ng katamtamang pag-filter na nakatakda bilang default. Matutunan ang tungkol sa mga setting ng Ligtas na Paghahanap at paano baguhin ang mga iyon.
Mga istatistika sa paghahanap
Tingnan ang kabuuang bilang ng mga resulta at gaano katagal bago makumpleto ang paghahanap.
Logo ng Google
Sa mga espesyal na okasyon, maaari kang makakita ng bagong Google Doodle para sa araw na iyon. I-customize ang iyong pahina at piliin ang iyong paboritong doodle na ipapakita sa iyong pahina ng mga resulta.
Mga resulta ng paghahanap
Isang karaniwang resulta
| Google
Pinapayagan ang mga user na maghanap sa Web, Usenet, at mga larawan. Kasama sa mga tampok ang PageRank, pag-cache at translation ng mga resulta, at pagpipilian upang makahanap ng mga kaparehong pahina. www.google.com/ - Naka-cache - Kapareho |
- Pamagat: Ang unang linya ng anumang resulta ng paghahanap ay ang pamagat ng webpage. I-click ang pamagat upang maabot ang webpage na iyon.
- Snippet: Ang nasa ibaba ng pamagat ay isang paglalarawan ng webpage at maaaring magsama ng aktwal na sipi ng teksto mula sa pahina. Lilitaw ang iyong mga terminong ginamit sa paghahanap na naka-bold upang gawing mas madali para sa iyo na magpasya kung nasa pahinang iyon ang iyong hinahanap.
- URL: Nakaberde, makikita mo ang web address ng webpage ng resultang iyon.
Naka-cache at Kapareho
Kung para sa ilang kadahilanan ay hindi nag-load ang webpage, maki-click mo ang Naka-cache upang makita ang isang bersyon ng pahina mula nang huli naming na-index iyon. I-click ang Kapareho upang makakita ng iba pang mga website na nauugnay sa resultang iyon.
Mga naka-indent na resulta
Kapag nakahanap ang Google ng maraming resulta mula sa magkaparehong website, ang pinakamay-katuturang resulta ang unang inililista, kasama ang iba pang may-katuturang mga pahinang mula sa site na iyon na naka-indent sa ibaba nito. Kung makakakita kami ng mahigit sa dalawang resulta mula sa parehong site, maa-access ang natitirang resulta sa pamamagitan ng pag-click sa link na Marami pang mga resulta mula sa.
Pinagsama-samang mga resulta
Naghahanap ang teknolohiya ng paghahanap ng Google para sa pinakamay-katuturang impormasyon sa lahat ng mga uri ng nilalaman sa internet, kaya maaaring kasama sa iyong mga resulta ang mga larawan, mapa, video, artikulo ng balita, aklat, at marami pa.
Lagyan ng star ang mga resulta
Nagustuhan ang isang resulta ng paghahanap? I-click ang icon na star
sa tabi ng anumang resulta ng paghahanap ng Google upang i-save ito. Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account, makikita mo ang iyong mga resultang naka-star tuwing gagawin mo ang pareho o katulad na mga paghahanap. Matuto nang higit pa tungkol sa mga star sa paghahanap.
Mga tool at filter
Pabagu-bagong ipapakita ng panel sa gilid ng iyong pahina ng mga resulta ang mga mode ng paghahanap at mga filter na pinakakapaki-pakinabang para sa iyong partikular na paghahanap. Gamitin ang mga link na ito upang i-filter at i-customize ang mga resultang iyong nakikita.- Uri ng nilalaman: Limitahan ang iyong mga resulta sa isang partikular na uri ng nilalaman sa web tulad ng Mga Larawan, Mga Balita, o Mga Talakayan. O kaya, manatili sa default, Lahat, upang makakita ng mga resulta ng lahat ng mga uri ng nilalaman.
- Mga inirerekumendang tool: Limitahan ang mga resulta sa nilalamang mas personal sa iyo o mas mahusay na umaangkop sa iyong hinahanap. Halimbawa, tingnan ang nilalaman mula sa iyong mga kaibigan (Social) o nilalaman mula sa iyong lugar na pangheyograpiko (Malapit). Tumingin ng mga resulta sa isang bagong paraan, tulad ng ayon sa pagkakasunud-sunod (Timeline) o sa tabi ng isang larawan na nagpe-preview sa bawat webpage sa iyong mga resulta ng paghahanap (Mga preview ng pahina).
Matuto nang higit pa tungkol sa mga pagpipilian sa paghahanap na ito.
Naka-sponsor na mga link
| Naka-sponsor na mga link I-download ang Google Chrome Mabilis at madali lang ang paghahanap gamit ang web browser ng Google. www.google.com/chrome |
Kung interesado ka sa pag-advertise ng iyong website sa mga pahina ng resulta ng paghahanap ng Google, i-click ang link na Makita ang iyong ad dito at matutunan ang tungkol sa program ng Google AdWords.
Ibaba ng pahina
Mga kaugnay na paghahanap
Minsan ang pinakamahusay na mga terminong ginamit sa paghahanap para sa kung ano ang hinahanap mo ay nauugnay sa mga aktwal mo nang naipasok. I-click ang mga nauugnay na terminong ginamit sa paghahanap na ito upang makita ang mga kahaliling resulta ng paghahanap.
Marami pang mga resulta
Kung wala sa unang pahina ng mga resulta ng paghahanap ang webpage o impormasyong hinahanap mo, maaari mong i-click ang Susunod sa ibaba ng pahina upang makakita ng marami pang mga resulta.
Maghanap sa loob ng mga resulta
Kung ang iyong paunang mga resulta ng paghahanap ay hindi ang iyong hinahanap, maaari mong i-click ang link na Maghanap sa loob ng mga resulta sa ibabang bar sa paghahanap. Pagkatapos, magpasok ng mga karagdagang salita upang paigtingin ang iyong paghahanap.
Feedback
Hindi masaya sa mga resulta ng Google para sa isang partikular na paghahanap? May mahusay na ideya upang mapabuti ang paghahanap? Nais na magbahagi ng positibong karanasan sa Google na mayroon ka? I-click ang link na Bigyan kami ng feedback sa ilalim ng ibabang bar sa paghahanap.
